Bisitahin: http://truthxiaoprevail.multiply.com
Hindi man maalis ang pamumulitika sa Departamento ng Kasaysayan (o sa kahit saang parte pa ng mundo) ay sana naman bigyang linaw ang mga katanungan ng mamamayan sa mga tunay na dahilan ng hindi pagrerenew kay G. Michael Charleston B. Chua sa patuturo ng Kas 1. Sa aking palagay ay isa itong manipestasyon ng hindi makatarungan at suwail na pamamaraan na lumabag sa ilang mga batas tungkol sa employment at pati na rin sa mismong mga batas sa loob lamang ng unibersidad. Malugod naming matatanggap na mga tiga-suporta ni G. Chua kung may konkretong basehan at hindi pagkakatanggap muli sa kanya bilang guro. Ngunit hanggang sa panahon na ito ay wala pang pagpapaliwanag ang Departamento ng Kasaysayan tungkol sa mga desisyong iginawad nila ukol dito.
Isang napakapalalo at estupidong ideya naman siguro ang isipin na ang mga petisyong ito ay nanggaling mismo kay G. Chua at kami ay ginagawa lamang niyang mga kasangkapan. Mariin ko pong sasabihin na hindi na kailangan pang gisingin ni G. Chua ang sinuman dahil kami na mismo ay handang lumaban para sana’y mailabas ang katotohanan tungkol dito. Kahit na kailan ay hindi kami pinilit o sinabihan ni G. Chua na kumilos para sa kanya. Hindi kami mga alagad ni Sir Xiao. Mga alagad kami ng katarungan at katotohanan.
KATARUNGAN at KATOTOHANAN PARA KAY G. XIAO CHUA!


4 comments
Comments feed for this article
March 25, 2008 at 1:36 pm
kampanerangkubs
ay bakit? sayang naman..
March 28, 2008 at 10:54 am
diosaconhielo
I’ve checked the site… ang masasabi ko lang… sa lahat ng sumusuporta kay Mr. Chua, action speaks louder than words. If you intend to know the truth, why not ask from the department? Anong methods na ba yung nagawa? Has there been formal communications about the department about this? Sino ba ang tumutulong sa inyo? Sino ang “champion” ng cause nyo? Nothing will happen if your efforts are not structured at parang palipad-lipad lang sa cyberspace ang mga himutok nyo.
At ingat lang sa kapusukang ito. Sa yo na rin nanggaling na ang pulitika ay pulitika – madumi.
Nagpapasalamat ako at hindi ako nag-UP. Dahil sa nature ko na HB at katipunera… who know’s if I’d still be able to write this comment today! Ingat lagi.
May 11, 2008 at 2:15 pm
kacey
hala. ano ba nagyari? kilala ko si chao since 1st year highschool ako, kapatid kasi siya nung barkada ko. sobrang astig at talino kaya niya.
June 19, 2008 at 8:55 pm
Desiccate
Somehow i missed the point. Probably lost in translation
Anyway … nice blog to visit.
cheers, Desiccate!