You are currently browsing the monthly archive for May, 2009.
I’ll just keep this short dahil ayoko namang magmukhang fanboy. Bwahaha.
I’m like rooting for Danny Gokey since Day something. I really think he’s effortless, hindi nakakapagod pakinggan at panoorin. Sa circle of friends parang konti lang kami bet si Danny for finals pero I dont care. I really think mas naging exciting ang finals ng AI if Danny Gokey got the votes.
Sorry, pero I think sympathy votes ang nakuha ni Kris since siya ang underdog talaga. Though I love Heartless ano, pero kung ilalaban siya kay Adam medyo boring siyang panoorin.
I still believe Season 7 is the best AI season. Dahil sobra akong na-excite sa finals noon. Ngayon parang feeling ko alam ko na ang resulta, di tulad dati na nag-aalangan pa ako sa dalawang David.
Well, Adam Lambert pa rin naman yan palagay ko.
Bitter daw ako according to my friend Cedrick. Yung pinagmumulan ng bitterness, sa amin na lang iyon. Well una reluctant akong aminin sa sarili ko, pero yeah, totoo siya in a way. Pero I can’t help of being bitter sometimes. There are lots of things that had happened to me for the past year and I just can’t let myself let go of these things easily.
Assumptive kasi ako. Diyan naman kasi umugat lahat yan eh. Sa pagiging dakilang Assumptionista ko. (Grabe lang yung Assumptionista. Haha) Kung sa una-una pa lang hindi ako nag-assume ng mga bagay-bagay eh di sana hindi ako naguluhan ng bongga sa mga nakaraang mga nangyari. Hindi ako nag-expect. Sana hindi nawala ang concentration ko sa responsibilities. Sana ganoon pa rin ang lahat.
Well hindi naman ako nagsisisi sa assumptive factor na yon dahil it made way to a lot of things na kukumpleto sa akin bilang tao, at thankful lang ako dun. Pero ang annoying na bagay lang, these things linger to you for a little long time, and you should suffer from it even though you dont deserve it. As in sino nga naman bang deserving na magdusa sa isang bagay na hindi naman kasalanan in the first place? Pero nangyayari talaga.
Depressed mode ako ng mga nakaraang panahon dahil sa bitterness na ito. Pero sabi nga nila, I should not let this eat me. There are lots of things in this world that can make me happy, and I should not dwell on the things that make me feel bad. In fairness, alam ninyo, napakaganda niya sa pandinig at napakadaling sabihin, pero anghirap niyang gawin.
Anghirap maging maligaya kung yung source of sorrow mo ay nandiyan lang. At mahirap maging maligaya if you’re actually incapable to let go of those awful things. But of course, what can I do? The least thing that I can do is to smile and let myself become happy kahit na hindi madali.
Sabi nga ni Monique, POSITIVISM (all caps) is the key.
Unit 4B, Anaheim Tower 4, California Garden Square, Libertad, Mandaluyong
Grabbed somewhere dahil hindi pa ako nakapagpicture taking.
At least now I know my real address, dahil for the past two sems nag-endure ako na tumira sa isang place na hindi ko talaga alam ang eksaktong address niya, at pahirapan ang instructions sa pagpunta dahil nga, ehem, hindi ko talaga alam ang eksaktong address niya. Basta sa UP Bliss yon sa tapat ng playground. Shempre hindi ko naman pwedeng sabihin pag magpapadeliver ako ng food na sa tapat ng playground yung address ko ano.
Maraming mga bagay na nakapagpadesisyon sa akin para lumipat ng bahay kahit na masasabi kong hassle talaga ang layo nito sa UP. Okay na yon, sabi ko, para naman matuto akong maging responsable as a person.
Maganda yung place. May pool area at may gym sa baba so baka anytime magpa-member na ako doon at ng sa gayon ay mabibigyang daan na ang pangarap kong magpapayat. Hehehe. May ministop din sa baba, which is sagabal naman dahil anytime (AS IN ANYTIME) na magutom lang ako ay bababa lang ako to get some food.
Nagustuhan ko naman ang place. Maayos, malinis, malamig.
Pero weird talaga yung feeling ng bagong lipat. Weird kung weird.



Recent Comments