I found this thingy at Kuya Dencio’s blog. Haha, so I want to make my list too. By the way, the list is also posted at Kuya Dhenz’s blog at the comment page of one of his articles.

So, here it goes!

1. It was on my kinder days. Tuwing may birthday we were required to kiss our classmates and greet her happy birthday. Hindi ko non alam sa HER lang pala applicable yon. Kaya pati mga lalaking classmates ko non, hinahalikan ko sa cheeks.😀

2. Grade one. Na-elect akong Baranggayette Officer non. Escort ako.😀 Sabi ng teacher ko, may meeting kami sa Grade Six room at 4:00. Nung tingnan ko orasan namin sa room 4:15 na. So labas ako agad then pumunta sa room ng grade six. Pagtingin ko sa bintana, kita ko andami nang tao kaya akala ko late na ako so pasok ako agad hanggang nasa end na ako ng room. Tapos lahat tahimik. Yun pala may klase pa. Palusot na lang ako sa teacher sa harap.😀

3. Naglalagay ako ng conditioner minsan kahit napakaikli ng buhok ko.😀

4. Naihi na ako sa pants ko. In public. Sa kalsada.😀 Dahil ayaw kong umihi sa puno (bad daw yun eh) naihi ako sa pants ko.😀 tumakbo na lang ako, umiiyak.😀

5. I copy other’s test paper when I have the chance, pero hindi ganong kadalas as others think. Vocal lang kasi ako sa pangongopya ko (as in inaamin ko sa classmates ko) kaya ako natatypecast na mangongopya. So sa recollection namin yesterday nakalagay sa paper ko about my bad deeds, yung nilagay nung apat na classmates ko na hindi nagongopya ever, wag na raw akong mangopya.:D

Oo nga pala, nahuli na ako last year lang.😀

Additional:

Nung kid ako, (hindi ko na matandaan kung ilang taon ako) naupuan ko yung wedding cake sa kasalan na inattendan ng family namin. as in hanggang loob ng shorts ko may cake at vanilla icing. may sumabit pang flower icing sa shorts ko nun.😀

At minsan naging walking magazine ako dito sa bahay dahil sa kaka-PEx at kakabasa sa Abante-Tonite. Pag may hindi sila maintindihang issue sa Showbiz ako ang tinatanong nila.

Ooops. Suddenly I switched languages.😀