Naramdaman nyo na ba na wala kayong silbi sa mundong ito? Yung waring pinagtutulungan ka ng kapalaran at pilit nitong inilalayo sa iyo ang mga bagay na matagal mo nang inaasam-asam na kahit anong pilit mong gawin ay wala ka talagang magagawa. Nasubukan mo na bang takpan ang ilong mo ng unan at iuntog nang iuntog ang ulo mo sa dingding hanggang mamula…bumukol…magsugat…dumugo. Nasubukan mo na bang uminom ng maraming gamot at mangarap na sana huwag ka nang magising kinabukasan? Naramdaman mo na ba na walang nagmamahal sayo? Yung tipong parang mag-isa ka lang sa mundong ibabaw, na nagmamashid lang sa mga dumadaan sayo, walang pakialam, walang atubili, walang alam. Nasubukan mo na bang kumuha ng lubid at isabit sa kisame ng bahay mo? At natanong mo na ba sa sarili mo kung para saan ito? Nasubukan mo na bang makinig sa musikang hindi mo alam kung matatawag mo pang musika dahil pinasasabog nito ang utak mo, pinadudugo ang tenga. Kumuha ka na ba ng kutsilyo? Para saan nga rin ba ito?  Nasubukan mo na bang habulin ng tingin ang isang tao na kahit na anong gawin mo ay kahit kailan ay hindi ka matitingnan pabalik? Nasubukan nyo na bang umiyak nang tuyo? O nasubukan nyo nab a na hindi kumain ng kahit ano dahil hindi mo ramdam na ang pagkain na dapat mong kainin ay dapat talaga sa iyo?

Nasubukan nyo na bang tanungin ang mga tanong na ito kahit na alam nyong wala naman talagang sasagot ng mga ito? Nasubukan nyo?

Leche.