Its been weeks since I’ve visited my blog and wasn’t surprised at all to see that nothing much changed on the statcounter. I have been inactive since I was going back and forth Quezon City to fix some things for college. And the hard thing is, as I fail to do blogging regularly, my interest to blogging was deteriorating, too.

But, no. I won’t let go of blogging. Blogging revived me when I was all down and not feeling well. It was my friend when everyone seems to be my enemy. It was my last resort when everything seems confusing.

Tama na ang drama. Hehe.

Nasa QC ako ngayon, nagbabakasyon. Napanood ko ang Spider-Man 3 nung first day of showing nito sa Gateway. Andami ng tao! Buti na lang reserved seating ang sistema sa Gateway kaya nakakuha kami ng magandang mga upuan. Masayang manood ng pelikula pero hindi masaya pag naiihi ka na at gusto mo talagang pumunta na sa palikuran. Haha.

I was unimpressed at UP Diliman campus (aesthetically). Pero can’t judge it pa rin kasi isang building lang ang napasok ko. Hehe. Vinsons Hall was way too creepy. Napaisip tuloy ako, kailan ko kaya mararamdaman ang benefits ng tuition fee na babayaran ko sa pasukan? Parang palagay ko pag nakatapos na ako sa pag-aaral at saka ko lang mararamdaman na natatamasa na ng iba ang kapalit ng binabayaran ko. Haha.

Bracket C ako. Ayos na rin. Hehe.

At nalaman kong 31 lang palang freshman ang nasa kursong BA Film and Audio Visual Coummunication. Grabe ha. Napakakaunti lang pala talaga ang may interes sa kursong pinili ko! Parang kalahati lang ito ng bilang ng buong batch namin ng High School. Haha.

As of now, hindi ko pa rin maaccess ang UIS para malaman kung ayos na ang schedule ko na ipinapreenlist. Nakakaasar. Hindi ko maaccess ang crs2.up.edu.ph. Haaay.