“Oy! Bakit nandito ka? Kamusta? Kaila ang pasukan ninyo?”

Yan ang mga kadalasang tanong ng mga tao nang ako’y nagbalik sa aking Alma Mater kahapon, ang CLSUSHS o Central Luzon State University Science High School. May mga kailangan kasi akong mga papeles para sa aming yearbook, so, dahil nga kailangan kong iaccomplish ang mga iyon, napagdisisyonan ko na rin na lumibot at mangamusta.

Masarap pala ang pakiramdam ng graduate ka na kasi mataas ang tingin sa iyo ng lahat, mapa-teacher, studyante, mga kawani. Angsarap ng feeling kasi lahat mabait sa iyo. Haha.

So nagdate kami ng friend ko which is also my Music teacher then, si Ma’am Roxy at kumain kami sa Dacoco’s (Pansitan ito. Masarap ang food dito!) at in-update niya ako sa mga pangyayari sa school, yung mga controversy, mga kuro-kuro, mga usap-usapan…

Masarap palang bumalik sa dati mong school! Kahit na bitter pa rin dahil naaalala mo na last year lang, nandon lang ako at nakaupo sa mga classrooms… Hay.

———-

Oo nga pala, natatakot ako at baka hindi ako maka-update pagkarating ko sa UP. Mahal na kasi at may babayaran na ako sa internet…

Ang naiisip kong paraan: I can update my site once a week, tapos isusulat ko na lang mga notes ko sa isang notebook. Hehe. Watcha-think???