Thursday, June 14

Ummm, I had my first class in Math 1 at MB. I met my blockmate Max Casaclang and her friend, Kim. We had much fun, teehee. She brought her cam and we took pictures of the three of us. The teacher is nice, and I wish she would be nice too on giving grades. Sino nga naman bang ayaw???

My second class was an adventure and at the same time, hell. See, I mixed Faculty Center with the New CAL Building so, I was almost late. Thank God the prof is much late than me.The room lacked good acoustics, so, the thin voice of my prof made me all drowsy. Still, it was still a happy class.

My third class, and the last class for the day, was in, OH MY OH MY OH MY OH MY OH MY GOD! (does that made me sound like an Econ student? Wahaha) It was in third floor Palma Hall. See, my CW 10 class was in CAL Building, THIRD FLOOR. So effort nga naman ang lakaran dahil ang KAS 1 ko ay sa THIRD FLOOR din.

So, nang dumating ako sa classroom ko (its 329 if I remember it right) super tagal ng teacher kaya nakapagmashid pa ako ng maayos. May mga klasmeyts akong mukhang inosente, at may mga mukhang matanda at gusgusin (Hehe..). Yung nasa dulong upuan sa kalikud-likuran, mukha na ngang graduate. Pero hinayaan ko lang.

So dumating ang teacher, at grabe, he really look young, fresh, at artistahin. Kinilig kilig pa yung mga conyo sa likod. Alam nyo naman ang conyo, sila ang una ninyong nahahalata pag may nangyayari sa sistema nila, hehehe. Super strikto ng Professor.  Sabi niya tatlong grades lang ang ibinibigay niya, uno, tres at singko. Sobra naman iyon.

So nagpaactivity siya and we need to introduce our seatmate. Super easy nito dahil professional yata ito. Hahaha. So dala-dalawa nagsalita kami hanggang makarating na dun sa gusgusin na mukhang matandang estudyante sa dulo. So, nandun siya sa harap, super pangit ng posture, at inintroduce niya yung katabi niya. SO ako naman, deadma lang. Then yung gurl initroduce naman siya. Nagtataka kami kasi bakit 2001 ang student number niya dahil ma MBB na siya noon. Tapos sabi nung girl…

“Ladies and  Gentlemen, may I present to you our professor, Michael Charleston Chua.”

 Aba, shempre shocked ang inyong lingkod! Pero enjoy talaga ang klase dahil super cool niyang teacher.

Friday, June 15

8:30 ang klase ko sa CS Auditorium kaya inagahan ko ng kaunti ang pagpasok. Pero nagulat ako dahil wala pang 8:30 ay nagkaklase na ang teacher! Grabe, super strict at parang terror! Shemay! Namali ako ng pinilingsubject dahil Chem at Physics pala ang NatSci. Huhuhuhu…

Nagfilm viewing naman kami sa BC 10 dahil sa kasamaang palad, wala pa ang aming guro sa kursong iyon…Huhuhu…At pinagawa pa kami ng reaction paper of sort…Huhuhu…

So ayan! May bagong blog entry ako! YEHEY!