Not that may mga exams and quizzes akong pinaghahandaan…Wala lang talaga akong perang pangupdate ng blog ko. Hehehe.

Masyado kasi akong nawiwili sa Dorm life ko eh. Kasi naman, simula nang ginawa namin yung Sig Sheet na iyon na activity ng floor namin, nakilala ko na yung mga floormates ko, at ang kagandahan pa dun, hindi ko na kailangang matulog ng maaga dahil sa kabagutan, dahil inuumaga na kami sa kwentuhan at kantahan! Angsaya ng Kalai life, sabi ko nga noon pa.

Ngayon naman ay busy kami sa Acquaintance Party namin. Kaya hindi muna ako magkukwento para mai-compile ko ng maayos. Hehehe.

Nagsign-up na ako sa UP Cineaste’s Studio. I love everything about it except that we need to BID for our buddies. That would cost much! I-o-auction ang mga members! Anlandi!*

*Pahiram ng expression mo, Kuya Jomar!:)

Nagpunta nga pala kami noong Friday sa Mel and Joey para sa BC10 subject namin. Ummm it was my first time kaya masaya ako non. HEhehe. Pero may effect pala ang TV na nagmumukhang malaki ang set dahil sa totoo lang, maliit lang eh.

At himala pa rin dahil gumagana pa rin ang nasira kong camera ni Ate na ilang oras kong inyakan dahil nga hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pampalit sa LCD nito. Bagama’t ganoon nga ang nangyari, nagamit ko pa rin ito upang kumuha ng mga nakaw na litrato. Ehehe.

Next time na lang ang pictures. Paliliitin ko pa eh.