Walang sense. Ewan ko ba.

May hang-over pa yata ng nakaraang whole week holiday (dahil sa bagyong Egay) ang linggong ito dahil bakasyon galore pa rin ang mga teachers ng UP. Aba, mga walang pasok! Hehe. So, most of my so boring classes are still suspended because of undefined reasons. Nakakainis lang at walang klase kay Sir Chua. Nakakamiss pa naman ang classroom niya.

Nakahabol ako sa Advanced Pre-Advising para sa mga courses na kukunin ko next semester. Sa tulong ng ilang orgmates sa UP Cineastes ay nakapili ako ng magaganda “raw” na mga subjects at dahil din kay Ate Fortune (Love you!) ay pumayag ang adviser na humabol kami. Angsaya ng buhay.

Nakakamiss din pala ang mga orgmates pag matagal mong hindi sila nakita. Kahit na nung application process eh parang monster sila kung ituring kasi nga nakakatakot, nakakamiss din pala sila. Heheh.

Angweird. I just don’t feel using the English language nowadays. Siguro dahil sa orgasmic poem ko. Heheh. Goodluck sa creative writing course.

–O–

Oo nga pala, isang pagpupugay at pagsaludo kay G. Wilfredo O. Pascual, CLSUSHS Alumni at isang natatanging alagad ng literatura sa bansa. Congratulations sa ikalawang Carlos Palanca Memorial Award for Literature mo! Idol ka talaga, Kuya Willi!