I just found something very interesting at PinoyExchange: My sentiments regarding the 2006 UPCAT posted on August of that year. I still can’t believe it.

My post is unedited so there’s a lot of typos. Hehe.

—O—

I took UPCAT last august. i think. Mahirap siya for me especially the science part kasi puro earth sci ang tanong, which, kinukuha pa lang namin ngayong fourth year. Math was difficult, too.

I am from a science high school but belongs to the lowest ten sa section namin. Actually i once belong to the top ten from first year to third year. Tinamad lang talaga ako ng fourth year.

I didn’t take any review classes like my other rich classmates did. (Actually majority ng batch nagreview classes) Mas kinabahan pa talaga ako dahil may advantage sila.

I went as early as 5:30 sa testing area. It was too early so my parents decided to eat at the nearest fastfood chain. I filled my tummy witn food para hindi mahilo. Then, i went to the testing area.

Matagal ang orientation kasi pinapila pa talaga kami.

Kinabahan talaga ako sa magiging resulta ng UPCAT kasi biruin nyo, natapunan ko ng juice ang answer sheet ko! Allowed kasi na kumain while taking the exam. as in takot na takot ako non. pinatanong ko pa sa proctor kung ok lang. kinuha pa nga niya yung answer sheet ko at dinala sa kinauukulan pero sabi niya ok lang yon. Takot ako na baka makaapekto rin sa pagbasa ng reader ang pagkabasa ng aswer sheet ko.

I didn’t leave any blank. Sinagutan ko lahat. Yun pa ang isa kong kinakakabahan. Right minus wrong ang UPCAT. Basta kasi ang alam ko, pag hindi ako sure ang sagot, either B or C lang ang sagot, dahil ayon daw sa statistics, B and C ang most probable answer. Hindi ko nga natapos ang math ko so pasikreto kong binalikan (bad!) at nilagyan ko ng b or c ang mga tirang questions.

Natapos ang UPCAT at diretso kami ng mall to watch Sukob.

Everyday nagpepray ako na sana pumasa ako sa UP kasi it would be a lot easier to study there because of cheaper tuition fees as compared to ateneo.

Mas kinabahan ako nang dumating na ang results from other universities na pinag-examan ko. (Ateneo de Manila and Saint Louis University, both passed) Honestly, mas mahirap ang Ateneo College Entrance Test kaysa UPCAT.

It went to school one monday at nadatnan ko na nagsisigawan na mga kaklase ko sa room kasi may UPCAT results na raw. Butterflies are already on my tummy! We rushed at our computer laboratory to check. Kaso angbagal magload ng UPCAT site that time (dahil nga siguro maraming tumitingin ng results via internet). I decided to go home and check at my own.

When i typed my name on the search area sa website ng UPCAT, it still took thirty minutes for the results to appear, so i was able to eat my lunch and surf the net to check my friendster account, and obviously, Pinoy Exchange. I opened as many tabs on my mozilla as possible para maiwasan kong matingnan ang UPCAT site.

It is when i decided to stop my firefox session na saka ko binuksan ang tab ng UPCAT. nakapikit talaga ako non. As if alam ko na hindi ako papasa. Biruin mo, 70,000 ang nagtake ng exam. Nakita ko na ang list. Walang kahirap-hirap.

pangalawa sa list ang pangalan ko! Nagtatalon na talaga ako non. Nagsisigaw, tinatawag ko sila mommy at sinabi kong punasa ako. Nang tingnan ko kung anong campus, WOW. UP DILIMAN. My first choice campus. And i passed my second choice course, which i really really love. BA Film and Audio COmmunications. Broad comm ang first choice ko, by error kasi akala ko nung nagfill-up ako ng form, i thought walang film course. Buti na lang! (quota course pa ata ang broad comm)

Lessons learned:

-Be early sa testing area.
-Kumain ng marami, pero hindi sobra. Baka ma-jebs ka ng wala sa oras!
-Expect the unexpected! Kung babae ka, bring your napkins. Sa guys like me, be sure you smell good. Haha.
-Pray a lot.
at

tapunan ng juice ang answer sheet. joke.

UPCAT is all about stock knowledge. Yung mga napag-aralan nyo the whole HS life lalabas. Napag-aralan sa school lahat ng lalabas sa UPCAT. (I think, accdg. to experience) Yung mga iba na hindi mo masagutan, panigurado, nakalimutan mo lang pero naencounter mo na at least once. in your HS life.

At saka wag mag-alala na porke nasa lower rank ka sa school mo eh hindi ka na papasa. May mga higher rank sa amin na hindi pumasa sa UP. Sa amin nga, ako lang sa lower rank ang pumasa sa UP Diliman.

At kung gusto mo talagang magaral ng UP, fill your first campus with the courses you really love, most preferably your first choice as a quota course and the second one a non-quota course. At sa second campus, sa campus na mas mababa ang cutoff kaysa sa first choice campus mo ( I chose UP Los Banos) at mga courses na sa palagay mo eh hindi pipiliin ng karamihan, gusto mo man ang course o hindi. (Agriculture at forestry or dev comm ang pinili ko ata. hindi ko sure yung last two.) That way pwede ka na lang magpalipat-lipat. Tip yan ng mga seniors namin noon!

Sana nakatulong ang experience ko!

—-

Hahaha. So fun. Reminiscing.