Parang regla days for girls pero walang reglang involved. Naasar ka, masungit ka, madali kang mapikon, mapapatulala ka na lang minsan, sobra kang sensitive. Minsan gusto mo na lang talagang walng makitang kahit sinong tao sa paligid mo, gusto mong magtalukbong sa kumot at matulog na lang, at hintayin ang kinabukasan at umasa kang mas maayos ang pakiramdam mo pagkagising.

Mood swings? Oo siguro. Pero normal ba ito? Hindi ko alam. Basta may mga araw na ganito ako, madaling mainis, madaling mairita, madaling malungkot. Waaaah. Hindi ko na alam.