Grabe. Bongga kung bongga. Fabulous kung fabulous. Angganda talaga ng Centennial Kickoff ng UP. Sa totoo lang hindi ko in-expect na ganitong ka-grandioso ang magiging labas ng kick-off dahil nang mag-100 years ang dati kong university, parang Monday program lang sa high school namin. Walang wala talaga.

Sa totoo lang hindi ako nakakuha ng mga photos dahil nga sa sobra kong sinulit ang panonood at sinulit na rin ang almost 17,000 na tuition ko. Wahaha. Talagang in-assume ko na doon napunta lahat ng ibinayad ko this sem. Ayos na yon. Natuwa naman ako kahit na sa sandaling panahon lang.

Oo nga pala, nagulat ako nang kasama pala sa 100 torchbearers si Richard Gomez bilang nag-take pala siya ng film courses sa UP. At guess what? Reject pala siya ng UP Cineastes’ Studio, ang org na kung saan kasali ako. Kaya daw sumikat ang Cineaste no dahil yun ang org na nagreject daw kay Goma. Oh well. Elite kung elite. Hahaha.

Maluha-luha ako nang tumugtog si Mr. Ryan Cayabyab ng piano with UP Maraming Salamat something. Astig talaga. Forever fan niya ako.

Ang kinaasaran ko lang talaga ay yung Isangdaan Taon song ng UP na mala-Super Inggo themesong. Parang pag tumugtog na yung centennial song eh pwede mong isabay yung mga phrase na “Lilipad ako, para lang sayooo”. Oh well.