“i dont get the whole blogging-for-exposure shiznit. i mean if you’re satisfied with what you write and how some people appreciate what you’re writing, then fine. but i don’t really dig why there are attempts to blog just to know whether people actually give a damn about what you think. i guess all the fuss and how we crave for it deplete the purpose of the whole thing.
just a thought.”

Haha. Absolutely true. Yet I don’t totally agree with it.🙂

Ang sa akin naman, isa na siguro sa pinakamasarap na reward sa akin sa pagba-blog ko ay yung maraming nakaka-appreciate ng ginagawa ko, maraming bumabasa at naghihintay ng next post ko, kahit na isantabi na yang popularity and traffic. Parang, bonus na lang yung traffic and all. This traffic and all kasi, I know for a fact, it gives a chance for my blog to be known and be read by more people. Actually, sa totoo lang, matagal ko nang hininto ang pagba-blog kung hindi lang sa alam kong may mga bumabasa pa rin nito kahit papaano. Kung alam kong may mga taong bumabasa at sumusoporta talaga sa blog ko, it would inspire me to continue and do more. Yun siguro. Haha. Kasi yung pagba-blog ko, it’s not just for personal outlet ng thoughts at emotions (o kaya naman para i-indulge ng mga friends and family) but the mere fact na I want to somehow influence others’ life in a good way (or bad way, belat! haha) through my blog posts, yun.

Ang mga comments actually sa blog na ito make me feel that I’m somehow accepted in this world at they somehow agree to what I see and believe to (kahit minsan hindi, basta it gives me the feeling haha), kahit na papuri o kaya naman pang-ookray man ito. Parang pakiramdam ko na senyales siya na nag-eexist ako sa cyberspace. Senyales na at least in some point nakapag-iwan ako ng mga bakas.

Cheezy.

—-

Off-topic: Mom called. Na-miss lang niya ako talaga siguro.😉 Miss ko na rin ang bahay.