You are currently browsing the monthly archive for March 2008.

Bisitahin: http://truthxiaoprevail.multiply.com

Hindi man maalis ang pamumulitika sa Departamento ng Kasaysayan (o sa kahit saang parte pa ng mundo) ay sana naman bigyang linaw ang mga katanungan ng mamamayan sa mga tunay na dahilan ng hindi pagrerenew kay G. Michael Charleston B. Chua sa patuturo ng Kas 1. Sa aking palagay ay isa itong manipestasyon ng hindi makatarungan at suwail na pamamaraan na lumabag sa ilang mga batas tungkol sa employment at pati na rin sa mismong mga batas sa loob lamang ng unibersidad. Malugod naming matatanggap na mga tiga-suporta ni G. Chua kung may konkretong basehan at hindi pagkakatanggap muli sa kanya bilang guro. Ngunit hanggang sa panahon na ito ay wala pang pagpapaliwanag ang Departamento ng Kasaysayan tungkol sa mga desisyong iginawad nila ukol dito.

Isang napakapalalo at estupidong ideya naman siguro ang isipin na ang mga petisyong ito ay nanggaling mismo kay G. Chua at kami ay ginagawa lamang niyang mga kasangkapan. Mariin ko pong sasabihin na hindi na kailangan pang gisingin ni G. Chua ang sinuman dahil kami na mismo ay handang lumaban para sana’y mailabas ang katotohanan tungkol dito. Kahit na kailan ay hindi kami pinilit o sinabihan ni G. Chua na kumilos para sa kanya. Hindi kami mga alagad ni Sir Xiao. Mga alagad kami ng katarungan at katotohanan.

KATARUNGAN at KATOTOHANAN PARA KAY G. XIAO CHUA!

Kalayaan Residence Hall
University of the Philippines
Diliman, Quezon City
Journals – File No. 1

Benitez, Christopher James D.
HIGHLY CONFIDENTIAL

February 15, 1995

9:20 pm

Ano ba’ng nangyari noong gabi ng Pebrero 14, 1995?

“Ay nako, ewan ko nga kung ano yung narinig ko eh. Basta magkakabrown-out yata dapat. May bigla na lang sumigaw. Tapos nagkakagulo na ang lahat. Hindi ko na inalam kung ano yung nangyari kasi nga may exam pa ako sa Math 63.”

-Frederick Barrinuevo, BS Math, 18

 

“Basta natutulog na ako nun, tapos nananaginip ako ng masama. Hindi ko na nga alam kung anong nangyari sa akin. Basta umiiyak daw ako sabi ni Robert. Ayun nung nagising ako, may narinig na akong sumisigaw.”

-Adrian Sarmiento, BA European Languages, 17

“Lima kami nila Lambert na naglalaro ng chess sa kwarto ni Adolph. Maingay pa nga kami eh kasi nakakatuwa yung laro. Tapos biglang kumurap-kurap yung ilaw. Hindi lang sa room namin yon, ano. Parang buong dorm, nagkaganon. Tapos lumamig bigla. May narinig na lang kaming sumisigaw.”

-Earl Ramon Alvarez, BS Chemistry, 17

“Naliligo ako noon, actually sabay nga yata kami ni Ralph na maligo kasi nga katatapos lang naming magpractice sa volleyball varsity. Nagtataka kami kung bakit mainit yung tubig sa shower eh gabi na so dapat malamig na siya. Tapos yun, kumurap na yung ilaw. Kinabahan nga kami eh kasi kasabay ng pagkurap nung ilaw, nawawala-wala yung tubig. Tapos yun, may sumigaw na bigla.”

-Billie Jean Fernandez, BA Interior Design, 18
“Ay, Lucresia Kasilag. Parang gumagawa yata ako nun ng plates para sa Arch 16 ko, which is nira-rush ko siya ng bonggang bongga dahil gusto ko na talaga matulog because I really need to rest my eyes, you know. Anyway, nang ginagawa ko na yung plates, suddenly nagkumukutikutitap na ang lampshade ko, which to my annoyance dahil nahihirapan akong gumawa ng straight lines ng free hand. And so for more may sumigaw ng todo volume as in nagulat talaga ako in a different level so to my annoyance, nagkanda bali-bali ang lines ko!”

-Arnel Acosta, BS Architecture, 18

“Wala ako sa corridor nung nagkagulo. Pero bago nangyari yon, paparating pa lang ako sa dorm dahil kagagaling ko sa thesis shoot ng orgmate. Nang papasok na ako dun sa pinto at hinihintay ko na lang si Ate Guard na buksan yung pinto, parang may taong nakaputi na dumaan sa likod ko. Akala ko nga yung babaeng nagdedeliver lang ng mga labada. Tapos kumurap na yung ilaw. Ayun, may narinig na akong sumigaw.

-Hero Boy de Guzman, BA Film, 16

Read the rest of this entry »

Unang-una, gusto sana ni G. Chua na mabasa ninyo ito.

–O–

Unang Huwebes ng pasukan noong Hunyo ko siya nakilala.

So, nang dumating ako sa classroom ko (its 329 if I remember it right) super tagal ng teacher kaya nakapagmashid pa ako ng maayos. May mga klasmeyts akong mukhang inosente, at may mga mukhang matanda at gusgusin (Hehe..). Yung nasa dulong upuan sa kalikud-likuran, mukha na ngang graduate. Pero hinayaan ko lang.

Ganun ko siya unang nakilala. Pinagpapawisan, magulo ang buhok, nakasuot ng puting T-Shirt na gusot ngunit hindi pa rin naaalis ang presensya ng pagiging sinsero at pagkakagalang-galang sa pagkatao niya.

“Ladies and Gentlemen, may I present to you our professor, Michael Charleston Chua.”

Ipinakilala niya sa amin ang kanyang sarili sa kakaibang paraan. Katuwa-tuwa, nakakaaliw at dahil sa ganoong paraan ay sinimulan namin siyang mahalin. Agad-agad.

Mahal ko na ang kasaysayan bago pa man ako mag-aral muli nito sa ilalim ng kanyang patnubay. Tsismoso kasi akong tao by nature. Tsismoso in a good sense. Gusto kong nalalaman ang mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit sa mga pagkakataong tinuturuan niya kami, mas minahal ko ang kasaysayan, mas minahal pa kaysa sa maraming bagay sa mundo.

Hindi ko sinukat akalain na magiging kaibigan ko ang aking guro sa labas ng silid-aralan. Ibinababa niya ang sarili niya sa mga oras na magkakasama kami. Isang napakamaginoong gawain. Kaya naman kahit kailan ay hindi ako nakadama ng kahit na anong bakas ng pagkayamot sa kanya. Nakakatuwang isipin na nagkukwentuhan at nagkakamustahan pa kami sa text paminsan-minsan. Kapag nag-uusap kami, naaalala ko ang mga kwento niya noong pagkabata siya. Weird daw siya noong bata siya. Weird pa rin naman siya hanggang ngayon, pero parehas lang kaming weird kaya naman walang problema sa akin iyon. Mas masaya pa nga ako dahil magkasundo kami. Matanong din kasi si Sir. Mahilig sa libro. Nasasapo ko ang wavelength niya.

Napakapositive ng outlook in life. Hindi magarbo ang mga pangarap niya sa buhay, hindi siya naghahangad ng yaman. Mas umiiral ang prinsipyo sa katawan niya kaya naman ganoon na lang ang pagtayo niya sa iba’t ibang pagsubok sa buhay niya.

Siguro kung nabuhay siya noong panahon ng mga Kastila, una siyang pinatay. Alam kong napakalakas ng paninindigan niya at hindi matitinag kahit na umpugin man siya ng mga mas mataas sa kanya. Naniniwala siya sa pinaniniwalaan niyang tama. Hindi siya bumabaligtad kahit na pader na ang kalaban niya.

Magaling siyang guro. Kakaiba ang teaching style niya. Mas madali mong naaabsorb ang pinag-aaralan dahil parang kinukwento lang niya. Magaan ang bawat lesson, hindi kasi siya yung tipo ng teacher na ipinamumukha niya sa mga estudyante niya na siya ang pinakamatalino sa lahat. Open sa corrections. Open sa new ideas. Hindi siya nagmamayabang. Yung tama lang para igalang siya ng mga estudyante niya. Kaya naman hindi na siguro question kung bakit mataas ang demand niya sa registration kapag enrollment. Maraming nagmamahal sa kanya pagkatapos na maturuan niya. Dahil ginawa niya kaming parang mga kapatid niya. Ganoong katindi.

Opisyal na idineklara noong Marso 17 na hindi na magpapatuloy sa pagtuturo si Sir Xiao ng kasaysayan. Hindi man namin alam ang dahilan kung bakit ito nangyari at sa anong punto nagkamali si Sir ay alam naming isang malaking kamalian ang desisyong ito ng Departamento ng Kasaysayan ng CSSP. Isang malaking kamalian. Hindi ko lubos maisip na isang magaling na guro na naging mabuti sa lahat ng kanyang estudyante ay tatanggalin sa isang tungkuling minahal niya ng lubos. Manhid na siguro ang taong gagawa nito sa kanya.

Tama si Sir, ang mabungang puno, iyon ang kadalasang pinupukol. Pero Ginoong Chua, kahit ilang beses kang pukulin at malaglag ang mga bunga mong pinaghirapan ng matagal, nandito lang kami para pausukan ka uli nang mamulaklak ka at mamunga pa uli. Kaya natin ito. Kasama mo kaming mga na-inspire mo.

Isang pagpupugay sa isang natatangi at mabuting guro.


“Wear the culture that’s only ours.
The maroon in you that you can’t hide.
The world watches as we set the bar.Show your UP pride.” – Scholoration

Order your shirts now! Visit http://scholoration.multiply.com/

*Please include my link upon ordering the shirts (or just put the name Hyro!)

Thanks!

How do people in our country define a man? Is a man should have about ten girlfriends or so for just a month? Or is a real man should know how to play basketball or other sports that requires him to show his “manliness”? Is he allowed to cry? Could man show any trace of weakness and limitation?

Bakit may babaeng bakla pero walang lalaking tomboy?

Welcome to the teenage world, where everyone shares their so-called insecurities in gender definitions. Read the rest of this entry »

AkoSiHyro

AkoSiHyro is a blog by Jessehyro Tito P. Aguinaldo, a college senior at the University of the Philippines-Diliman taking BA Film and Audio-Visual Communication, who dreams of just earning enough money regardless of the job.

He is the current Executive Vice President of the UP Cineastes' Studio, the premier student film organization of the Philippines.

He is also a proud member of the Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP - College of Mass Communication (STAND UP - CMC).

[MORE about Hyro]

Pages

Blog Stats

  • 25,963 hits

Top Clicks

  • None

Disclaimer

Every literary piece such as poems, prose, and rants posted on this blog cannot be posted elsewhere unless permitted by the owner. Inquiry for permission to repost is hugely appreciated.

AkoSiHyro is a non-profit blog.

The blogger's opinion is his sole opinion and does not necessarily reflect other people's opinion. If opinion/comment/article posted seems too offensive, the blogger suggests readers to leave this blog immediately.