Well actually ang paniwala ko kami ang centennial freshies noong kapapasok ko pa lang sa UP pero ang incoming freshies pala ang may hawak ng distinction na ito, so, okay!

Nandun ako sa isa sa FOP na naganap sa Diosdado Macapagal Hall sa School of Economics dahil nag-usher/ assistant keme ako sa mga stage directors. Andaming freshies! At nakikita ko sa mukha nila enthusiastic din sila tulad ko noon. Excited, ganyan. Well I wish mag-enjoy sila first year nila sa UP!

Angweird lang na dinidiscourage ng admin na mag-org ang mga freshies na ultimo sa mga survival kits ng mga freshies ay bawal nang maglagay ng mga advertisements regarding orgs. Pati yung mga host ng FOP nung araw na yon ay parang nareprimand at pinaalalahanan na huwag magbanggit ng mga promotion ek-ek sa mga orgs. Angweird. Ang mga orgs naman lalo na yung mga academic orgs ay nandiyan naman para suportahan ang mga freshies lalo na sa mga academic needs nila. Siguro nakaapekto yung mga events na naganap sa mga frat last year kaya siguro naging ganito ang treatment ng admin sa mga orgs. Well, nasa handbook naman ng mga freshies na bawal magjoin ng frat in their first year.

Pero ito personal ko nang statement: MAKAKATULONG ANG ORGS SA MGA FRESHIES. According to personal experience na yan. Lalo na’t ang blocking system sa UP ay parang wala naman talagang kwenta, makakatulong ang orgs sa pagbuo ng relationship with other UP peeps. Importante ang socialization lalo na sa period of adjustment ng mga freshies dahil mahirap talaga yung walang kaibigan sa unang year.

Sa totoo lang nilu-look forward ko noong araw ng FOP na may makita akong Film freshies dahil ako noon ay napakaenthusiastic makakita talaga ng mga film students. Ganyan. Sa course na film kasi importante yung may mga kakilala ka at koneksyon, ganyan.

Mga freshies, go lang sa buhay! Kayang kaya nyo ang UP! Make a difference! Go sa acads! Go sa org!šŸ˜‰