Gusto ko pa ng unlimited internet at magpahanggang umagang panonood ng mga downloaded movies.

Pagkain ng masasarap na luto ni Mommy at unlimited rice na parang hindi kami mauubusan talaga.

Gusto ko pang mahiga sa King-sized bed sa kwarto ni Yeng at tumapat ng magdamag sa madumi at maalikabok na electric fan na ang tatak ay Standard.

Gusto ko pang manood ng Pinoy Idol at malaman kung sino ang susunod na matatanggal.

Babay Bevs. Babay Elliot. Mamimiss ko kayo

Gusto ko pang magmotor at lumibot-libot sa paligid-ligid ng lalawigang akala ko’y paraiso na dahil mas maganda pala ang lugar na ito kaysa sa mga dumi at init ng maynila.

At yung okay lang na hindi ka maligo dahil nasa loob ka lang naman ng bahay.

Yaaaaaaak. Bitin ang bakasyon. Lalo na’t isang linggo lang ang bakasyon ko.