Parang one month ago lang nang nagsimba ako sa Holy Family Parish Church sa Roxas District, Quezon City para ipagdasal ang kapalaran ng bid ng org namin for FOPC. Dinasal ko talaga na sana huwag maging failure ang pagtatangka namin dahil sabi ko nga, baka magkanervous breakdown ako pag hindi namin nakuha ang film block.

Andami kasing isinakripisyo ng mga members ng UP Cineastes’ Studio para lang sa bid para sa K4 block. Pera, panahon, acad things.

Sa tuwing naiisip ko ang ilang mga bagay ang ginawa ko para sa FOPC na ito, napapangiti na lang ako. Naaalala ko:

  • Kung paano ako nagdecide na kumuha ng CWTS kahit pwede namang hindi dahil ito lang naman ang pwede kong idahilan para makaluwas ako ng Maynila noong summer.
  • Kung paano ako umabsent ng mapailang beses sa CWTS ko para pumunta sa mga meetings ng FOPC at wala akong pakialam kung ma-drop ko ang subject na yon.
  • Kung paano dapat na matahimik kong apakan at pipiin ang mga PET bottles at mga aluminum cans dahil ayaw kong makaistorbo ang mga kabahay ko sa Kalay. At diretsong apat na oras kong ginagawa iyon sa isang araw.
  • Kung paano ko pilit pinagkasya ang mga ito sa maliit kong kwarto at tiisin ang mala-alak nang amoy ng ilang boteng hindi tuluyang natanggalan ng laman.
  • Kung paano ko tiniis ang hiya sa katawan matapos akong iwan ng roommate ko dahil hindi na siya makatiis sa amoy at sa kalat ng kwarto namin.
  • Kung paano ako nakaapak ng staple wire galing sa mga papel at dumugo ng bongga ang paa ko. Takot ko pang ma-tetano.
  • Kung paano ko pinigil na hindi maiyak sa pagpapagalit at pagbibintang sa akin ng nakatataas sa Kalay na ginagamit ko daw ang pasilidad ng dorm para kumita ng pera. Ibinebenta ko daw ang mga PET bottles na dinadala ko sa kwarto ko.
  • Kung paano ko iniyakan ang mga moments na nalalaman kong lamang ang kalaban at hindi ko alam kung saan kukuha ng lakas at resources.
  • Kung panno ako bumuhat ng gerlat sa balikat ko for 3 minutes nonstop para manalo sa isang game sa Sportsfest.
  • Kung paano ako natutong magtextbrig para mangulit ng mga taong magdala na sila ng mga items nila kahit alam kong nakukulitan na sila sa akin.

Marami. At siyempre hindi lang naman ako. Lahat kaming nag-effort sa FOPC may sari-sariling storya. This is COLLABORATIVE EFFORT. Lahat kami siguro, may mga moments na gusto na naming iyakan. Pero worth-it naman. Nakuha namin ang Film Block. Iyon ang importante. At ngayon kailangan naman naming harapin ang susunod na step.

Ang pag-aalaga sa block na pinaghirapan namin.

Congratulations
CINEASTES!
Maraming salamat sa lahat!