Ang nakakainis na parte sa pasukan na ito ay yung 9 units lang ang na-enlist ko at eto pa, bigla bigla na lang nag-iba ang prof ko sa Film 102 from the most competent and wise to the not so competent and not so wise. Hahaha. Frustration ko siya ngayon. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung sino mang prof sa mga subjects ko dahil naman sa mas importante sa akin talaga ang schedule. Pero huwag naman sa mga majors. At lalo namang huwag yung prof na yon. Hahahah.

Gusto ko naman in the most possible way na magkaroon ng good film education. Yun lang naman ang gusto ko sa buhay. Kaso kung sa mga not so competent at not so wise teachers ka mapupunta eh para saan na lang yon.

By the way, ang-awkward lang ng title ko. Parang guessing game.🙂