Sorry guys pero mukhang natuluyan na talaga itong hiatus ko bilang andami ko talagang ginagawa as in ANDAMI. Hindi ko inexpect na ganitong magiging ka-busy ang sophomore life ko kahit na mind you ay 3 days a week lang akong pumapasok. Mas wala pa akong time ngayon kaysa noong freshie days na 5 days a week ang pasok ko. Damn it. Napakaengaging ko kasi as a person. More acads, more org, more fun. At shempre shoot shoot shoot ng mga productions dahil okay, may production class na ako! Kailangang may konsepto ka lagi para mabilis ang lahat.

Hindi siguro naiintindihan ng magulang ko kung bakit hindi ako pala-uwi ng probinsya o nagdududa ang ate ko dahil laging busy ang sagot ko sa kanya pag tinatanong niya ako ng kamusta. Eh sa iyon ang totoo, okay? Waaaaah kung alam niyo lang lahat ang mga paghihirap at pagpapakasakit ko. Drama.

Di bale after August 23 baka sakaling ayos na ang lahat at magkakaroon na ako ng oras para sa lahat. Well, sana lang ano. Hilingin natin yan sa Diyos.

Namimiss ko nang magblog at magkwento. Namimiss ko na ang traffic sa website ko! Waaaaah.

Salamat.

Advertisements