Ang-pierce mo!

Kung maririnig mo ang mga katagang ito, ikaw ay either a.) trying hard na pasosyal b.) huma-high fashion ng hindi kailangan c.) sinusubukang magpronounce ng mga french terms to no avail d.) sumusubok mapabilang sa alta sociadad kahit hindi naman kaya. And so on.

Iba ang “pierce” sa “fierce”. Ang mga taong “fierce” kasi, nakakaangat naman sa buhay at edukado, pero pag nakikita mo, nakakainit ng ulo. Sila yung mga taong cliche sa mundo ng mayayaman at elite. Sumusubok sila na mag-ala Paris Hilton at dala-dala ang mga pet nila bilang accessories, umi-english tuwi-tuwina, dala-dala palagi ang mga DSLR camera nila kahit hindi naman alam gamitin, nagka-camwhore ng walang kamatayan at sa mga litrato nila ay mapapansin mong kita ang siko nila o braso dahil nga sila rin lang naman ang retratista ng sarili nila. Mahilig din silang mag-suot ng high-end na mga damit kahit na papasok lang naman ng school o opisina. Minsan nga ay mapagkakamalan mo pa silang aattend ng party kahit na magrereport lang sila sa school. Kung makikita mo ang isang rich na babaeng nakasuot ng headband na may malaking ribbon (mukhang regalo o Minnie Mouse) ala-Gossip Girl, malamang isa siyang “fierce”.

Masasabi mo ring “fierce” ang ilang brand ng damit, ang pinaka-swak dito ay ang mga produkto ng Penshoppe, kahit naman alam nating hindi pang-fierce na mga tao ang target market nila. Palagay ko, gusto nilang maiparating na ang bawat tao sa mundo ay may karapatang maging “fierce”. Sa totoo lang ay epitome ng pagiging “fierce” ang mga billboards ng Penshoppe with Victor Basa, Heart Evangelista, etc dahil sa mga uber-colorful na damit at shempre, ang no. 1 “fierce” item ngayon, ang lomo toy cam.

Isa pang term sa mga “fierce” ngayon ay “lomo”. So pag sinabi nilang “Lumo-lomo si Ate/Kuya”, malamang alam mo nang fierce sila.

Balik tayo sa “pierce”. Ang mga “pierce” ay kamag-anak ng mga “fierce” dahil hindi mo naman sila mapag-hihiwalay talaga kung titingnan mo lang sila. Parehas sila halos ng damit, fashion statement. Kaso, ang mga pierce ang matatawag mong “mga high-end sa mundo ng kahirapan”. Hindi sila necessarily mayaman, hindi rin necessary na mahirap, pero hindi sila inglisero, hindi rin sila “fierce”. Mapapansin mo rin na ang ilang mga pierce ay kabilang sa mga nouveau riche ng Pilipinas, yung mga taong biglang yaman, mga nanalo sa lotto, sa game show, kumita ng malaki sa carinderia o sa sari-sari store.

Mahuhuli mo lang naman na “pierce” ang isang tao sa isang pagkakataon, kapag nagsalita na sila.

Usapan ng tatlong PIERCE. (galing ito sa isang usapan cum-sketch ng mga kaibigan ko, ni-rehash ko na lang.)

Pierce 1: (opens magazine) Wow, like, angsosyal naman the clothes of Beyons here.

Pierce 2: (looks) Oo nga, in fairness naman kasi, Luwis Vuwiton ang damit niya. Suot niya yata iyan sa concert niya sa Taguig.

Pierce 3: Hoy, angganda ng shirt mo, san mo nabili yan?

Pierce 1: Sa Lacosteh.

Pierce 3: Ay, akala ko sa Verseys.

WOW! PIERCE!