Okay, my Film 112’s done and over, so masaya na ako (masaya???). Tapos na ang mga haggard moments at mga okrayan portion sa bawat klase. Tapos na ang paghihirap na makahanap ng artista at pagpapagod gumawa ng konsepto. I love it. As in.

Pero in fairness mamimiss ko ang Film 112. First production class ko ito at dito ko nagawa nag first short film ko. Haaaay siguro pagtagal pa ng kaunti, maaalala ko kung gaano karidiculous ang mga bagay na nagawa ko sa subject na ito.

Natapos ko naman ang short film ko (Apotheosis ang title, yung ibig sabihin niya, i-search nyo na lang haha) at masaya naman ako sa resulta. Madali naman kasi akong makuntento. Well anyway, kung ganoon nga, ay ayaw ko nang magdwell ng matagal sa prod kong ito. Nakakasawa din kasi na paulit-ulit siyang tingnan bilang ako na ang angshoot, nag-edit. Hahaha.

Screencap? Ito.