At oras na naman ng mahabang pila, dahil 9 units lang ang naenlist ko sa CRS ay isa na namang pakikipagsapalaran ng palakasan, patatatagan at patigasan ng tuhod sa super habang proseso ng enrollment sa UP.

Siyempre kailangang magtiyaga dahil kung hindi ay wala akong makukuhang subjects. Haaaay, sa lahat ng mga pangyayari sa UP, enrollment ang pinakayaw ko, nakakainis na, nakakapagod pa. Sana na lang ay bakasyon na uli dahil tinatamad na talaga akong pumasok ng eskwela. Burnout siguro ito bilang noong summer ay wala akong bakasyon at sobrang marami ang nangyari last sem.

Oo nga pala, congrats naman sa akin at na-maintain ko ang college scholar standing ko. Angsayasaya naman. Akala ko nung una hindi ako CS dahil sa kabobohan ko sa pagkocompute ng GWA, pero ayun pala okay naman ang average ko. Thank God.