Ewan ko. Andami kong plano ngayong summer pero hindi ko naman ginagawa.

Plano kong magdiet at magpapayat pero kung kumain naman ako, dalawang plato ng kanin every meal.

Sabi ko, mag-eexercise na ako regularly pero heto, buong araw lang akong tulog.

At isa pa, nakatutok lang ako maghapon sa computer, facebook lang ng facebook.

Anyway, wala talaga akong balak na magsummer classes kaya naman dito lang ako sa bahay. Well, dapat may inaaccomplish pa akong script at docu na dapat sa april 14 ang deadline pero hindi ko pa sinisimulan. Tamad lang talaga ako. At ngayon yung feeling ko eh wala na talaga akong pakialam sa kung anong mangyari. Nakakatamad lang.

Cause lang siguro ito ng halos walang pahingang sophomore year ko. Nagcrave lang ako ng walang patid na tulog at internet. So hindi naman siguro masama kung bigyan ko ang sarili ko ng kaunting kapayapaan after those busy things. I just want to have fun, to give myself importance na sa ngayon, ako muna ang mahalaga.

Hay. Sarap ng pahinga.🙂