Bitter daw ako according to my friend Cedrick. Yung pinagmumulan ng bitterness, sa amin na lang iyon. Well una reluctant akong aminin sa sarili ko, pero yeah, totoo siya in a way. Pero I can’t help of being bitter sometimes. There are lots of things that had happened to me for the past year and I just can’t let myself let go of these things easily.

Assumptive kasi ako. Diyan naman kasi umugat lahat yan eh. Sa pagiging dakilang Assumptionista ko. (Grabe lang yung Assumptionista. Haha) Kung sa una-una pa lang hindi ako nag-assume ng mga bagay-bagay eh di sana hindi ako naguluhan ng bongga sa mga nakaraang mga nangyari. Hindi ako nag-expect. Sana hindi nawala ang concentration ko sa responsibilities. Sana ganoon pa rin ang lahat.

Well hindi naman ako nagsisisi sa assumptive factor na yon dahil it made way to a lot of things na  kukumpleto sa akin bilang tao, at thankful lang ako dun. Pero ang annoying na bagay lang, these things linger to you for a little long time, and you should suffer from it even though you dont deserve it. As in sino nga naman bang deserving na magdusa sa isang bagay na hindi naman kasalanan in the first place? Pero nangyayari talaga.

Depressed mode ako ng mga nakaraang panahon dahil sa bitterness na ito. Pero sabi nga nila, I should not let this eat me. There are lots of things in this world that can make me happy, and I should not dwell on the things that make me feel bad. In fairness, alam ninyo, napakaganda niya sa pandinig at napakadaling sabihin, pero anghirap niyang gawin.

Anghirap maging maligaya kung yung source of sorrow mo ay nandiyan lang. At mahirap maging maligaya if you’re actually incapable to let go of those awful things. But of course, what can I do? The least thing that I can do is to smile and let myself become happy kahit na hindi madali.

Sabi nga ni Monique, POSITIVISM (all caps) is the key.