Oo, a year ago na yung huli kong blog post dito, at hindi man lang ako nagpaalam kung babalik pa ako o hindi na.

Ayokong idepensa ang sarili ko sa pagkawala ko, aaminin ko na, I lost interest in blogging. Pero dahil namiss ko lang siya bigla, sige na, pagbibigyan ko na ang sarili ko.

Maraming nangyari after a year. Executive Vice President na naman ako. I lost a friend. Natapos ko ang script ng thesis ko. AT magtithesis na ako.

Mas naging close kami nila Max, Mayee, Jen, Bianx, Jan, Mico at Mike this sem. Bonded ang batch namin, sila Jono, sila Arch, sila Aiess. Kung sino sino pa. Bonded din ang Executive board. At masaya ako dahil dun. Hindi pa rin naman nawawala ang closeness ko with Jumar, Munik, Choba and other ABS peeps. Nandun pa rin naman kasi sila. Hahaha.

Ang lovelife? Kung dati ay may love, may life, pero walang lovelife, ngayon, walang love, may life, at walang lovelife. Masaya naman ako sa estado ng buhay ko kahit wala akong lovelife. I mean, hindi ko naman siya immediate need. Minsan, may pasulpot sulpot ng pagkaemo. Pero ang importante, okay ako ngayon.

Well, I really though Adrian’s death would cause me really big, and yes, it did for the first few months after it. I lost weight (for those months), got depressed most of the time, but after that, I realized, my other friends are there just beside me. We helped each other overcome the grief little by little. And yun, mas navalue ko ang mga friends ko.

Friendship blog nga ba ito? Inisip ko tuloy. Pero siguro yun yung major point kasi ng taon na hindi ako nagbablog. Nag-enjoy ako sa life kaya hindi ko kinailangan pang isulat dito. Dahil sa sobrang daming noteworthy moments, hindi ko na sinulat. And maganda naman siguro yun, diba? Diba?🙂